P26.6M na halaga ng ayuda aprubado na para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly

Aprubado na ang mahigit P26.6 million na halaga ng ayuda para sa mga napinsala ng Super Typhoon Rolly.

Ayon ito sa datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSDWD).

Ayon pa sa DSWD, sa ngayon mayroon pang 34,700 na pamilya o 138,209 na katao na nananatili sa mahigit 1,200 na evacuation centers.

Ang mahigit 12,500 na pamilya naman o katumbas ng mahigit 47,600 na katao ay nakikitira sa kanilang mga kaanak.

 

 

 

 

Read more...