24 na milyong bakuna kontra COVID-19 target na bilhin ng pamahalaan

Target ng pamahalaan na bumili ng inisyal na 24 na milyong COVID-19 vaccines.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matiyak na magiging accessible ang bakuna sa mga mahhirap at vulnerable individuals.

Sinabi ni Galvez na ang 24 na milyong bakuna ay para sa mga indigents, mahihirap na komunidad, at vulnerable sectors.

Una nang sinabi ng Malakanyang na maaring sa Enero hanggang Marso ay maumpisahan na ang procurement process para sa COVID-19 vaccines.

Si Galvez ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang vaccine czar at siya ang mamamahala sa pagbili at pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19.

 

 

 

 

Read more...