BRP Pangasinan ng PH Navy maghahatid ng relief goods sa Bicol Region

Umalis na ng Cebu City ang BRP Pangasinan lulan ang relief goods na dadalhin sa Bicol Region para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly.

Sakay ng barko ng Philippine Navy ang 40 tonelada ng relief goods.

Kabilang dito ang 87 sako ng assorted goods, 80 butane gas stove at 500 sako ng bigas.

Kahapon ay umalis din ng Maynila ang BRP Gabriela Silang dala-dala ang maraming relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.

 

 

 

 

Read more...