24 anyos na miyembro ng NPA sumuko – AFP

Isang 24 anyos na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga sundalo sa Zamboanga City.

Si “Cirilo Biosa Sumibay alyas Kenx2/Joy, 24 ay nagpasyang kusang sumuko sa mga otoridad ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng AFP Western Mindanao Command.

Ani Vinluan, si Sumibay ay Team Leader ng Abe Squad 1, Guerilla Front Sendong ng Western Mindanao Regional Party Committee ng NPA.

Isinuko din nito ang kaniyang AK47 (CZ) assault rifle, pitong long magazines, 185 na mga bala, isang bandolier, at isang jungle hammock.

Batay sa pahayag ni Sumibay, nadismaya na umano ito dahil sa kabiguan ng NPA na tuparin ang pangakong financial support sa kanila.

Nakita din umano niya kung paanong nabago ang buhay ng mga dati niyang kasamahan sa NPA na nagpasyang magbalik-loob sa gobyerno.

 

 

 

 

Read more...