Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 50,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 8,363,412 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 7.7 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 528,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 700 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 124,354 na.
MOST READ
LATEST STORIES