Umabot na sa mahigit kalahating milyong pamilya ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly.
Ayon sa datos mula sa NDRRMC, mayroong 532,794 na pamilya o katumbas ng 2,083,222 ang naapektuhan ng bagyo.
Sa nasabing bilang, 142,475 na pamilya pa o 517,172 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center.
Nagdulot din ang Super Typhoon Rolly ng paglilikas sa 178 COVID-19 patients at 417 na medical/support staff sa 11 mega at local quarantine facilities.
Ayon pa sa NDRRMC, umabot sa 24,750 na mga bahay ang napinsala ng bagyo.
Sa nasabing bilang 3,666 ang totally damaged at hindi na mapapakinabangan habang 21,084 ang partially damaged.
MOST READ
LATEST STORIES