Nasawi sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly 20 na; 73 pa ang sugatan

Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa 20 nasawi, mayroon pang 3 na nawawala.

Nakapagtala din ng 74 na nasugatan sa pananalasa ng bagyo sa Mimaropa, Calabarzon, at Region 5.

Ayon sa NDRRMC, nakapagtala ng 17 insidente ng pagbaha at dalawang landslides noong kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Rolly.

Mayroong aabot pa sa 151 na lungsod at munisipalidad sa Regions 4A, 4B, 5 at 8 ang wala pa ding suplay ng kuryente.

 

 

 

 

Read more...