US Elections: Biden malaki ang lamang kay Trump

Sa nagaganap na eleksyon sa Estados Unidos nananatiling malaki ang lamang ni Joe Biden kay incumbent President Donald Trump.

As of 5:30 ng umaga ngayong Huwebes (Nov. 5) oras sa Pilipinas, si Biden ay mayroon nang 264 electoral votes.

Si Trump naman ay mayroong 214 na electoral votes.

Anim na electoral votes na lang ang kailangan ni Biden para manalo sa eleksyon at tapusin ang panunungkulan ni Trump.

Hindi pa pumapasok ang mga boto sa sumusunod na estado:

NEVADA – 6 electoral votes
ALASKA – 3 electoral votes
PENNSYLVANIA – 20 electoral votes
NORTH CAROLINA – 15 electoral votes
GEORGIA – 16 electoral votes

 

 

 

 

Read more...