Severe Tropical Storm Siony kumikilos na; lalakas pa aabot sa typhoon category ayon sa PAGASA

Kumikilos na ang severe tropical storm Siony matapos na maging halos stationary sa nakalipas na ilang araw.

Huling namataan ang bagyo sa layong 595 kilometers East ng Basco Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 115 kilometers bawat oras.

Kumikilos na ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.

Ayon sa PAGASA bukas ng umaga o tanghali ay lalapit at maaring mag-landfall sa Batanes o Babuyan Islands ang bagyo.

Lalakas pa ito at aabot sa typhoon category bukas ng umaga.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes at sa eastern portion ng Babuyan Islands.

Signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

– nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
– northern portion ng mainland Cagayan
– northern portion ng Apayao
– northern portion ng Ilocos Norte

Sa susunod na 24 na oras, ang trough ng bagyong Siony at ng dating bagyong Rolly ay maghahatid ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Pangasinan, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao.
Simula bukas ng umaga, direkta nang magpapaulan ang bagyong Siony sa Batanes at Babuyan Islands.

 

 

Read more...