DILG Cordillera, naghahanap ng karagdagang 100 contact tracers

Naghahanap ang Department of the Interior and Local Government – Cordillera ng karagdagan pang contact tracers sa gitna ng laban kontra COVID-19.

Ayon sa kagawaran, 100 contact tracers pa ang kailangan na handang magserbisyo hanggang December 31, 2020.

Narito ang bilang ng itatalagang contact tracers sa mga sumusunod na lugar:
– Benguet – 71
– Abra – 10
– Apayao – 5
– Kalinga – 5
– Mountain Province – 5
– Baguio City – 4

Inabisuhan ang mga aplikante na direktang sumite ang kanilang basic requirements sa DILG Provincial/ Baguio City Field Office sa pamamagitan ng email o drop box sa labas ng DILG Provincial/ Baguio City Field Office.

Narito ang mga kailangan form na maaaring i-downloaded sa mga sumusunod na link:
– Personal Data Sheet: https://tinyurl.com/y2yo6zun.
– Letter of Intent: https://tinyurl.com/y36j3ohx

DILG Abra: abra.dilg@gmail.com
DILG Apayao: onedilgapayao@gmail.com
DILG Baguio City: dilgbaguiocontacttracers@gmail.com
DILG Benguet: benguetdilgpo@gmail.com
DILG Kalinga: dilgkalinga2019@gmail.com
DILG Mountain Province: dilgmtnprovince@gmail.com

Itinakda ang deadline ng submission ng aplikasyon sa Biyernes, November 6.

Read more...