Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,005 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (November 4), 7,046 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 601 o 8.53 porsyento ang aktibong kaso.
Maraming residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 6,379 o 90.52 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 66 na ang mga residenteng nasawi o 0.94 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES