Mother Teresa, idedeklarang santo

 

Labingsiyam na taon matapos pumanaw ang madreng kilalang tumulong at nangalaga sa mahihirap na si Mother Teresa of Calcutta, itinakda na sa wakas ni Pope Francis ang kaniyang canonization upang ganap na siyang mai-deklarang santo.

Inanunsyo ni Pope Francis na sa September 4, bisperas ng anibersaryo ng kaniyang pag-panaw, ay idedeklara nang santo si Mother Teresa.

Inasahan na rin ang anunsyong ito ng Santo Papa, makaraang aprubahan niya noong Disyembre ang pangalawang milagro ni Mother Teresa na siyang huling magpapatibay ng pagiging karapat-dapat niyang maging santo.

Libu-libong deboto ang inaasahang dadalo sa seremonya para magbigay pugay kay Mother Teresa na na-beatify ni St. John Paul II noong 2003 sa St. Peter’s Square.

Pumanaw noong 1997 si Mother Teresa na nakatanggap rin ng 1979 Nobel peace prize dahil sa kaniyang mga ginawa para makatulogn sa mga mahihirap.

Read more...