Sharapova, suspendido muna bilang UN ambassador

 

Matapos umamin na bumagsak siya sa drug test sa Australian Open, ilang kumpanya na ang bumitaw sa pag-suporta at dumistansya sa tennis star na si Maria Sharapova.

Ngayon naman, ang United Nations ang sumuspinde sa kaniyang pagiging ambassador of goodwill dahil na rin sa naturang kontrobersya.

Si Sharapova ay siyam na taon nang goodwill ambassador gn UN Development Programme, at isa ring aktibong tagasulong ng recovery efforts matapos ang 1986 Chernobyl disaster.

Ayon sa isang tagapagsalita ng UN Development Programme, nananatili ang kanilang malaking pasasalamat kay Sharapova dahil sa kaniyang mga suportang ibinibigay sa kanilang mga ginagawa.

Gayunman anila, dahil sa pag-amin ni Sharapova, minabuti nilang suspendehin muna ang anumang aktibidad nila kasama ang Russian tennis star habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Matatandaang inamin ni Sharapova sa publiko ang pag-positibo niya sa meldonium na isinama na ng World Anti-Doping Agency sa kanilang banned list nito lamang unang araw ng Enero.

Read more...