Active COVID-19 cases sa Central Visayas, nasa 931 pa

Nagkaroon pa ng 32 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 4, 22,564 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 931 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 81 ang bagong gumaling kung kaya 20,282 na ang COVID-19 recoveries.

Apat naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,351 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...