Magnitude 3.2 na lindol, naramdaman sa Sarangani

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol sa bahagi ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 125 kilometers Southwest ng Kiamba.

Naramdaman ang pagyanig bandang 10:10 ng gabi.

May lalim ang lindol na 17 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa Kiamba at karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...