Panukala para ipagbawal ang drag racing sa public roads, lusot na sa komite sa kamara

Lusot na sa House Committee on Transportation ang panukala para ipagbawal ang drag racing sa mga pampublikong lansangan.

Sa ilalim ng House Bill No. 3391, papatawan ng multa ang sinumang magkakarera o pabilisan sa mga pampublikong kalsada.

Kabilang dito ang mga pampublikong sasakyan na nag-uunahan para makakuha ng pasahero sa daan.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo, may-akda ng panukala, maraming buhay ang nawala dahil sa pabilisan ng takbo sa mga kalsada.

Nakakaalarma na nga aniya ang dami ng mga aksidenteng ito.

Noong 2017 lang, pitong katao ang iniwang sugatan ng dalawang bus na nagpapabilisan sa kalsada sa Bohol.

Sa ilalim ng panukala, sinumang lalabag sa mga probisyon na itinatakda ay pagmumultahin ng hindi bababa ng P300,000 pero hindi naman lalagpas ng P500,000 at o pagkakakulong sa loob ng isang taon.

Read more...