Biden, tiwalang nasa tamang landas siya para manalo sa US election

AFP photo

Tiwala si Democratic presidential nominee Joe Biden na nasa tamang landas siya para matalo si U.S. President Donald Trump sa eleksyon.

Humarap si Biden kasama ang kaniyang asawa na si Jill Biden sa kanilang mga tagasuporta sa kasagsagan ng election night sa bahagi ng Chase Center sa Wilmington, Delaware, Miyerkules ng madaling-araw (November 4).

“We believe we are on track to win this election,” pahayag ni Biden.

Sa kaniyang talumpati, hinakayat din ng 77-anyos na dating bise presidente ang mga Amerikano na magkaroon ng pasensiya sa kasagsagan ng bilangan ng mga boto.

“It ain’t over until every vote is counted,” dagdag pa nito.

Read more...