BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 388,137

Mababa sa 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (November 4), umabot na sa 388,137 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 31,679 o 8.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 987 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

82.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.1 porsyento ang asymptomatic; 2.6 porsyento ang severe habang 4.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 49 muli ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,367 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 140 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 349,091 o 89.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...