PCG Commandant Ursabia, nag-inspeksyon sa relief supplies sa BRP Gabriela Silang

Photo grab from PCG Facebook video

Masusing nagsagawa ng inspeksyon si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral George Ursabia Jr. sa relief supplies sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) sa Pier 15, Port Area, Manila Miyerkules ng hapon.

Dadalhin ang relief supplies sa Bicol region kung saan lubos na sinalanta ng Bagyong Rolly.

Ilang tauhan ng PCG at Philippine Red Cross (PRC) ang patuloy na nagkakarga ng ilang suplay sa naturang barko.

Kabilang dito ang 500 piraso ng corrugated galvanized iron sheets na gagamitin sa pagbuo ng mga bubong para sa gagawing pagsasaayos ng mga nasirang bahay.

Dadalhin din sa Bicol ang 3,000 kahon ng food packs, halos 4,000 bote ng purified drinking water, 400 galon ng mineral water, ilang hygiene kits, kitchen kits, sleeping kits at mosquito nets.

Photo grab from PCG Facebook video
Read more...