Aabot sa P160 milyon ang pinsalang iniwan ng Bagyong Rolly sa mga pasilidad ng Department of Health (DOH) sa Bicol Region.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie, kabilang dito ang mga DOH retained hospital at mga laboratoryo.
Bukod sa mga nasabing pasilidad, sinabi ng opisyal na nagtamo rin ng pinsala ang pag-aaring health facilities ng mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, patuloy pa rin aniya nilang inaalam ang kalagayan ng iba pang health facilities sa lugar na dinaanan ng bagyo.
Samantala, nanatili naman sa mga ospital at hotel ang mga pasyente at staff na nasa mga temporary treatment and monitoring facilities ng DOH.
Ang Bicol Treatment facility aniya at ang mga quarantine facility ay kanilang pang ina-asses ang sitwasyon.
Nakapagpadala na rin naman aniya ang DOH ng mga hygiene kits, PPEs at COVID-19 supplies sa mga lugar na tinamaan ng bagyo sa kabikulan.
Minomonitor din aniya nila ang kalagayan ng health workers sa mga nabanggit na lugar.