Pagbahagi ng ELCAC ng pondo para ipang-ayuda sa mga biktima ng #RollyPH, walang problema – Palasyo

Photo grab from PCOO Facebook video

Walang nakikitang problema ang Palasyo ng Malakanyang kung gagamitin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang bahagi ng kanilang pondo para ipang-ayuda sa mga nabiktima ng Bagyo Rolly.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng panukala ni Senador Risa Hontiveros na i-redirect ang bahagi ng P16 bilyong proposed 2021 anti-insurgency fund para sa relief at rehabilitation efforts ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layunin naman ng ELCAC na magsulong ng development sa mga lugar kung saan nagpapatuloy ang insurgencies, lalo’t ang kahirapan aniya ang ugat ng mga pagre-rebelde.

Wala aniyang inconsistency kung gagamitin ang bahagi ng pondo ng ELCAC sa Bicol lalo’t maituturing aniya ang lugar na mayroong insurgency.

Ibig sabihin, pasok pa rin sa mandato ng ELCAC kung gagamitin nito ang pondo sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Read more...