Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 22,788 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (November 4).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 756 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
21,377 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 655 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,796 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
READ NEXT
Palasyo, aminadong kaya bumaba ang bilang ng COVID-19 cases ay dahil sa paghinto ng Red Cross swab test
MOST READ
LATEST STORIES