October 14 nang ihinto ng Red Cross ang swab testing dahil lumobo na sa mahigit P1 bilyon ang utang ng PhilHealth.
Kalahating bilyon pa lamang ang nababayaran ng PhilHealth.
“Well, I’m sure somehow the acts or the action of PRC in stopping their testing, somehow contributed, because less testing of course means less numbers,” pahayag ni Roque.
Pero ayon kay Roque, maaaring bumaba rin ang bilang ng kaso sa COVID-19 dahil sumusunod ang publiko sa mga itinakdang health protocols.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na rin aniya ang humihikayat sa taong bayan na magsuot ng face mask, face shield at dumistansya sa bawat isa.
Alam na rin aniya ng taong bayan kung paano umiwas sa COVID-19.
“But I think by and large, people have been compliant with minimum health standards and of course, we have the President no less endorsing in a commercial that people should wear mask, should wash hands and should observe social distancing. I think people know by now, what to do to prevent the further spread of the disease and they have been cooperating,” ani Roque.
“Our slogan right now is “Ingat-buhay, Para sa Hanapbuhay”. And I think people know that they need to observe minimum health standards so that they can go back to work and earn their livelihoods,” dagdag pa nito.
Base sa talaan ng Department of Health (DOH), bumaba ng 25 porsyento ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang buwan.
Ayon kay Roque, kapag kaunti ang swab testing, natural na bababa rin ang bilang ng maitatalang kaso ng COVID-19.