Ilang lalawigan sa Central Luzon, CALABARZON makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Central Luzon at CALABARZON.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:30 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Cavite, Nueva Ecija, Rizal at Zambales.

Maaapektuhan din ang Batangas partikular sa Nasugbu, Taal, Santa Teresita at San Luis.

Uulanin din ang Mauban, Quezon; Paete, Kalayaan, Lumban, Bay at Calauan sa Laguna.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...