Network service sa NCR, Rizal, Batangas, Camarines Norte, Marinduque, Sorsogon, Samar at Western Samar naibalik na ng Globe

Naibalik na ng Globe ang network service sa NCR, Rizal, Batangas, Camarines Norte, Marinduque, Sorsogon, Samar at Western Samar matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Rolly.

Ayon sa Globe, ginagawa naman na ang lahat para mai-restore ang kanilang serbisyo sa mga naapektuhang lugar sa Quezon, Laguna at Masbate.

Tuloy-tuloy ang operations team ng kumpanya sa round the clock na pagtatrabaho para mapagana na ang lahat ng Globe cell sites sa mga naapektuhang lugar.

Tiniyak ng Globe na ginagawa na nito ang lahat ng paraan upang agad mai-restore ang critical telecommunications services sa mga probinsya na labis na tinamaan ng bagyo partikular sa Albay, Camarines Sur at Catanduanes.

 

 

 

 

Read more...