Tropical Storm Siony napanatili ang lakas; Signal No. 1 nakataas pa rin sa bahagi ng Cagayan at Babuyan Islands

Napanatili ng Tropical Storm Siony ang lakas nito habang nasa bahagi pa din ng Philippine Sea.

Sa susunod na 12 oras ay mananatiling halos stationary o hindi gumagalaw ang bagyo.

Inaasahang lalakas pa ito at magiging severe tropical storm sa susunod na 24 na oras bago ang inaasahang landfall o pagdikit sa Extreme Northern Luzon.

Hindi rin inaalis ang posibilidad na lumakas pa ito at umabot sa typhoon category.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 755 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
– eastern portion ng Babuyan Islands (Balintang Isl., Babuyan Isl., Didicas Isl., and Camiguin Isl. including their adjoining islets)

Ang pinasanib na epekto ng northeasterlies at trough ng bagyong Siony ay magdudulot ng mahina hanggang katataman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Aurora, Quezon, at sa eastern portions ng Cagayan at Isabela.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo sa Biyernes ng hapon o gabi.

 

 

 

 

 

Read more...