Nagmula pa ng Bacolod ang naturang barko kung saan ito pansamantalang nagkanlong para makaiwas sa pinsala ng nagdaang bagyo.
Agad itong bumiyahe pa-Maynila para makatulong sa relief operation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pagkadaong sa Port Area, Maynila, agad na isinakay sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ang mga sumusunod na relief supplies na inihanda ng DSWD:
– 3,000 kahon ng food packs
– Halos 4,000 bote ng purified drinking water
– Karagdagang 400 galon ng mineral water
– 2,000 kahon ng kitchen kit
– 1,000 kahon ng hygiene kit
– 450 piraso ng sleeping kit
– 450 piraso ng mosquito net
Naghanda rin ang PCG at PCG Auxiliary ng karagdagang relief supplies tulad ng food pack, saku-sakong bigas, at de lata.