Mahigit 473,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo naitala sa magdamag

Umabot muli sa halos kalahating milyon ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules, (Nov. 4) ay 47,827,844 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 473,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 92,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 46,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 12,000 na mga kaso.

Ang France ay nakapagtala ng mahigit 36,000 na bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 9,690,109
India – 8,312,947
Brazil – 5,567,126
Russia – 1,673,686
France – 1,502,763
Spain – 1,331,756
Argentina – 1,195,276
Colombia – 1,099,392
UK – 1,073,882
Mexico – 933,155

 

 

Read more...