Maghapon ng Martes, Nov. 3 inikot ni Vice President Leni Robredo ang maraming bayan sa Abay at Catanduanes na labis na nasalanta ng Super Typhoon Rolly.
Ayon kay Robredo, maraming bahay sa Catanduanes ang nawasak at maging ang mga malalaking gusali ay nasira.
Labis aniyang nasalanta ang mga bayan ng Bato, Baras, Gigmoto, Virac, San Andres at San Miguel.
May mga bayan dn sa northern part ng Catanduanes ang hindi pa kayang maabot by land.
Wala pa ring kuryente at walang cellphone signal sa lalawigan.
Sinabi ni Robredo na kita ang damayan ng mga residente sa lugar dahil ang malalaking bahay at maging ang mga hindi kalakihan pero ari sa semento at hidni gaanong napinsala ay nagpatuloy ng mga nawalan ng tirahan.
Namahagi ng relief goods ang Office of the Vice President sa Brgy. Batalay sa bayan ng Bato.
Mula Catanduanes ay nagtungo din si Robredo sa Tabaco, Tiwi at Guinobatan sa Albay.
Sa Purok 1A sa Barangay Bolo sa Tiwi na isang coastal community wiped-out ang lahat ng mga bahay.
Ani Robredo, pansamantalang masisilungan ang higit na kailangan ng mga residenteng nawalan ng bahay.