Dagdag singil sa tubig ng Manila Water hindi muna ipatutupad

Nag-abiso na rin ang Manila Water na hindi na muna nito ipatutupad ang nakatakda sanang water rate adjustment sa taong 2021.

Dapat ay tataas ang singil sa tubig sa January 2021.

Pero ayon sa Manila Water, para maibsan ang nararanasang paghihirap ng mga customer bunsod ng kasalukuyang pandemya na dala ng COVID-19, ipinagpapaliban muna ang pagpapatupad ng rate adjustment.

Una nang naglabas ng pahayag ang Maynilad na hindi muna nito itutuloy ang dagdag singil sa tubig sa susunod na taon.

Ang naturang rate increase ay batay sa rebasing adjustment na nauna nang inaprubahan noong 2018 at ang mandated CPI inflation increase para sa taong 2021.

 

 

 

 

 

Read more...