Active COVID-19 cases sa Navotas City, bumaba na sa 54

Nasa dalawa ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Martes ng gabi (November 3), umakyat sa kabuuang 5,147 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 54 ang aktibong kaso o katumbas ng 1.0 porsyento.

10 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,945 na ang total recoveries o 96.1 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 148 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...