Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 199 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos dakong 10:40 ng gabi.

21 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang pinsala sa lugar.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig sa bayan ng Jose Abad Santos.

Read more...