COVID-19 cases sa Mandaluyong City, pumalo na sa higit 5,500

Napaulat ang 24 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:20, Martes ng hapon (November 3), 5,505 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 152 ang aktibong kaso.

Wala nang itinuturing na probable cases habang 1,084 ang suspected cases kung saan 21,331 ang cleared na.

26 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 5,179 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Samantala, 174 na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...