119 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

May 119 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang November 3, nasa 11,364 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 81 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,182 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

74 naman ang bagong gumaling kung kaya 7,354 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nasa 11 naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 828 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,492 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,245 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 816 naman ang kaso sa Americas at 1,811 sa Asia Pacific Region.

“The reported increases are due to belated reports and privacy concerns in several countries in the Middle East and Africa,” paliwanag ng kagawaran.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...