Drive-thru installation ng RFID sa Maynila, muling ilulunsad sa Nov. 14

Muling ilulunsad ang drive-through installation ng RFID sticker sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Public Information Office, isasagawa ang RFID Sticker Caravan sa Kartilya ng Katipunan sa araw ng Sabado, November 14.

Ito ay bilang pakikiisa sa layunin ng Department of Transportation (DOTr) na maging contactless at cashless’ang mga transaksyon sa lahat ng mga expressway.

Inabisuhan naman ang lahat ng magtutungo na huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield.

Mas maigi rin anilang magdala ng sariling ball pen at P200 para sa initial load ng RFID.

Read more...