Bagyong Rolly bahagya pang lumakas habang papalayo ng bansa

Lumakas pa ang Tropical Storm Rolly habang kumikilos papaalis ng bansa.

Anumang oras ngayong araw (Nov. 3) ay inaasahang lalabas ng Philippine Are of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Alas 10:00 ng umaga, sinabi ng PAGASA na ang bagyo ay huling namataan sa layong 540 kilometers West ng Iba, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugso na aabot sa 90 kilometers bawat oras .

Kumikilos ang bago sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksong west southwest.

Wala na itong direktang epekto saanmang bahagi ng bansa.

 

 

 

 

Read more...