Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang mga empleyado ng PhilHealth at Bureau of Immigration ang masisibak sa trabaho sa Disyembre.
Ayon sa pangulo, mayroon pang susunod na round ng sibakan sa dalawang tanggapan na talamak pa rin ang korapsyon.
Marami aniya ang mawawalan ng trabaho, marami ang matatanggal sa gobyerno, marami ang makakasuhan at marami ang makukulong.
Ikinadidismaya ng pangulo ang pastillas scheme sa Immigration kung saan nagbabayad ng pera ang nga Chinese para ilegal na makapasok sa bansa.
Pinag-iinitan din ng pangulo ang 15 bilyong pisong anomalya sa PhilHealth.
“So, mayroon pa. The next round is will be by December. Many will lose their jobs, many will be separated from government, many will face prosecution, and many will go to jail, iyan ang sabihin ko,” pahayag ng pangulo.
Una rito, isa-isang binasa kagabi ng pangulo ang pangalan ng 21 na opisyal na ng PhilHealth na sinuspendi habang 44 naman sa immigration.