COVID-19 serology testing centers, bukas na muli simula ngayong araw

Muling binuksan ngayong araw ng Martes, Nov. 3 ang lahat ng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila.

Isinara ang mga drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa lungsod dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.

Sa update mula sa Manila Public Information Office, bukas na muli ang sumusunod na testing centers:

—Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
—Ospital ng Tondo
—Justice Jose Abad Santos General Hospital
—Ospital ng Sampaloc
—Ospital ng Maynila
Drive-Thru Testing Center:
—Quirino Grandstand

Ayon sa Manila Health Department (MHD), prayoridad ng departamento na magpatuloy sa paghahatid ng serbisyong medikal sa mga Manileño lalo na’t nananatili ang banta ng COVID-19.

Samantala, tuloy-tuloy din ang paglulunsad ng libreng swab testing ng Lungsod ng Maynila para sa mga market vendors, hotel employees, mall workers at public transport drivers.

 

 

 

 

Read more...