LOOK: Aerial assessment ng OCD Bicol sa Virac at Bato Catanduanes matapos ang pagtama ng Super Typhoon Rolly

Nakapagsagawa na ng aerial assessment sa munisipalidad ng Virac at Bato sa lalawigan ng Catanduanes matapos ang pagtama ng Super Typhoon Rolly.

Nananatiling walang suplay ng kuryente at walang linya ng komunikasyon sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa pinsala ng bagyo.

Sa isinagawang aerial assessment ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council – Bicol maraming bahay ang nawasak ng bagyo.

Kita rin ang matinding pinsalang idinulot ng bagyo sa mga pananim.

Maging ang mga bahay na yari sa semento ay nawasak, at may mga pasilidad na natuklap ang bubong.

 

 

 

 

Read more...