Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong Martes, Nov. 3 ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos Region ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin dahil sa Northeasterly Surface Windflow.
Localized thunderstorm naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.
Dalawang bagyo pa rin ang binabantayan ng PAGASA.
Kaninang alas 3:00 ng madaling araw si Tropical Storm Rolly ay huling namataan sa layong 450 kilometers West ng Iba, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Habang ang Tropical Storm Siony naman ay huling namataan sa layong 595 kilometers East ng Calayan, Cagayan.
Taglay naman nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Nananatiling stationary o halos hindi kumikilos ang naturang bagyo. END