Palengke sa Cebu City nasunog

Tinupok ng apoy ang palengke sa Brgy. Ermita sa Cebu City.

Ayon sa Cebu CIty Fire Station, nangyari ang sunog sa Carbon Public Market madaling araw ngayong Martes, Nov. 3.

Ala 1:08 ng madaling araw nang itaas sa unang alarma ang sunog.

Agad naman itong naapula at naideklarang fire out ala 1:26 ng madaling araw.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

Read more...