Bangladesh Central Bank Governor nag-resign na

????????????????????????????????????
Bangladesh Bank

(Breaking News) Nagbitiw na sa kanyang pwesto si Bangladesh Central Bank Governor Arthur Rahman kaugnay sa pagkawala ng $81Million naka-lagak sa Federal Reserve Bank of New York.

Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ni Rahman na tinanggap na ni Bangladesh Prime Minister Sheik Hasina  ang kanyang resignation.

Ang naganap na online hacking ang siyang pinaka-malaking cyber heist sa kasaysayan kung saan sinasabing bahagi ng nawawalang pera ay nakapasok sa bangking system n bansa.

Samantala sa Senado, iniulat ni Senate Blue Ribbon Committee chairman TG Guingona na hindi na matagpuan ang mga RCBC bank account holders na sina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vasquez.

Nauna nang sinabi ng Anti-Money Laundering Council na sa account ng nasabing mga inbiduwal pumasok ang pera na bahagi ng hinahanap na $81Million mula sa Bangladesh.

Read more...