Birthday furlough ni GMA may go signal na mula sa SC

arroyo1
Inquirer file photo

(Breaking News) Pinagbigyan ng Supreme Court ang request na birthday furlough ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nais ng dating lider na magdiwang ng kanyang 69th birthday sa kanilang bahay sa No. 14 Badjao st. La Vista Subdivision sa Quezon City.

Pero imbes na  limang araw na hospital leave, tatlong araw lamang ang ibinigay na pahintulot ng Mataas na Hukuman na magsisimula mula tanghali ng April 4 hanggang katanghalian ng April 6.

Nauna dito ay pinagbigyan din ng hukuman ang inihirit na Christmas furlough ng dating Pangulo noong nakalipas na taon.

 

Read more...