Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (November 2, 3:00 PM) nakapagtala ng 150 na bagong kaso kaya pumalo na sa 54,141 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,120
Laguna – 15,082
Batangas -9,423
Rizal – 10,754
Quezon – 3,762
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,696.
Nasa 45,005 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 60 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 12,705
Laguna – 13,418
Batangas – 8,354
Rizal – 8,314
Quezon – 2,214
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 3 kaya umabot na sa 1,440 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 397
Laguna – 312
Batangas – 269
Rizal – 354
Quezon – 108
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay