Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 9,854

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, November 1), nadagdagan ng 37 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 9,854.

Sa nasabing bilang 696 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 379 kung saan nakapagtala ng 1 bagong nasawi.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 10,929 na.

 

 

 

Read more...