54 pang residente sa Eastern Visayas, nagpositibo sa COVID-19

Nadagdagan ng 54 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 492 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Lunes ng gabi (November 2), 6,829 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 845 o 12.37 porsyento ang aktibong kaso.

Maraming residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 5,920 o 86.69 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 64 naman ang mga residenteng nasawi o 0.94 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...