Baguio, nakapagtala pa ng dagdag na COVID-19 cases

Umabot sa 33 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Lunes ng gabi (November 2), umabot na sa 2,229 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 675 ang aktibo pang kaso.

12 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 1,526 na ang total recoveries sa Baguio City habang 28 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 4,381 ang aktibo habang 3,172 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 17,559 na residente habang 18,604 ang nakatapos na.

Read more...