Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 605 kilometers Silangan ng Basco, Batanes bandang 10:00 ng gabi.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Hindi naman inaalis ng weather bureau ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa Batanes-Babuyan Islands area.
Sa ngayon, walang lugar sa bansa na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal.
Ngunit ayon sa PAGASA, hanggang Martes ng umaga (November 3), asahan pa rin ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Batanes, Apayao, Cagayan at Isabela dulot ng northeasterlies at trough ng bagyo.