Batay sa severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 365 kilometers Kanluran ng Iba, Zambales dakong 10:00 ng gabi.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sinabi ng PAGASA na hindi na direktang nakakaapekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Martes ng umaga, November 3.
MOST READ
LATEST STORIES