Bilang ng nasawi sa Bicol, umabot na sa 20

Photo credit: Civil Defense BICOL/Facebook

Umabot na sa 20 ang bilang ng nasawi sa Bicol region, ayon sa Office of Civil Defense Region 5.

Ito ay bunsod pa rin ng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Sa nasabing bilang, 14 ang naitala sa Albay habang anim naman sa Catanduanes.

Samantala, araw ng Lunes (November 2) nang magsagawa ng aerial assessment ang OCD upang makita ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyo sa probinsya.

Photo credit: Civil Defense BICOL/Facebook
Read more...